Para sa aming mga Tagatangkilik sa Tanay Poblacion:
Dahil po sa nalalapit na 2017 Tanay Town Fiesta, inaasahan po natin na magkakasabay sabay po ang pagamit ng tubig mula Enero 21, araw ng Sabado hanggang Enero 24, araw ng Martes.
Asahan po natin na magiging mahina ang daloy ng tubig sa kabayanan ng Tanay (Poblacion) mula 7am – 6pm sa mga naturang mga araw lalo na sa araw ng bisperas at sa araw ng Kapistahan.
Asahan po natin ang paghina ng daloy o pagkawala ng tubig mula 7am-6pm lalo na po sa mga lugar na may kataasan gaya ng mga sumusunod:
- Sitio Gabihan at karatig
- Sitio San Marcelino at karatig
- Tanay Ville at karatig
- Sitio Suyok
- Sitio Bukal at patungo ng Dalwahan Kawayan
- Little Paradise
- Sitio Lubigan at karatig
- De Castro
- Mga kabahayan na may 2nd floor
Dahil po dito pinapayuhan po namin ang lahat na magipon po ng tubig sa gabi at sa oras na malakas pa ang daloy ng tubig para po kahit magkasabay sabay sa pag gamit ng tubig sa mga araw at sa pagitan ng oras na nabanggit ay may inaasahan po tayo na magagamit sa ating pagluluto, paghuhugas ng mga pinagkainan at sa iba pang gawain na kailangan ang tubig.
Maraming Salamat Po.