Para sa aming mga Tagatangkilik sa Sitio Balimbing hanggang Sitio Mapunso:
Dahil po panahon na ngayon ng tag-init, inaasahan po natin na mataas ang pangangailangan ng suplay ng inuming tubig ng bawat kabahayan at mga establismento.
Nais po naming ipaabot sa inyong kaalaman na ang Tanay Water District ay magpapatupad ng water rationing sa area ng Sitio Balimbing, Sitio Waray, Sitio Halang at Sitio Mapunso.
Dahil po dito pinapayuhan po namin ang lahat na magipon po ng tubig sa oras na inilaan sa inyong lugar para po sa mga oras naman po na walang suplay ng tubig may inaasahan tayo na magagamit sa ating pagluluto, paghuhugas ng mga pinagkainan at sa iba pang gawain na kailangan ang tubig
Maraming Salamat Po.
Philippine Standard Time: